Sunday, December 30, 2018

Sakdal



Sakdal

Charmane Joy Belleza 
09/26/2018

Hiyaw ng aking kamusmusan,
Tagumpay na walang humpay.
Hiyaw ng aking kabataan,
Marangyang pamumuhay.
Hiyaw ng aking kagulangan
Pamilyang mapayapang tunay.
Dito sa mundong ibabaw, 
Malinaw na ang aking hangad, 
Pag-ibig sa Diyos at kapwa,
Wala nang humpay, hindi na sasablay. 
Mamuhay ng dalisay
Aking Ama ang katambay
Hanggang sa aking pagtanda
Baunin ko’ng asal na sakdal.

No comments:

Post a Comment