Thursday, April 9, 2020

LIHIM



Lihim
3/15/2020 5:53

Sa bawat sandali na ikaw ay nakikita, 
Hangad ko ang mayakap kita.
Sa bawat sandali na ikaw ay nakakausap, 
Hangad ko ang mahagkan ka.
Sa bawat salitang iyong binibitawan,
Tumatagos sa puso’t isipan. 
Sa bawat sandali na nagtatagpo ang ating mga mata,
lihim na pag-ibig gusto nang kumawala.

Gusto ko nang sabihin sa iyong pagmumukha, 
Pero sabi mo, mag-ingat ka. 
Huwag padalus-dalus, 
Huwag mong hayaang ikaw ay magkasala.

Dito sa aking puso, sobrang sakit ang nararamdaman, 
Gusto ko nang kumawala, para di magkasala.
Pero ikaw pa rin ang laging nasa isip.
Umaga, tanghali, at gabi
wala nang pasintabi.

Bawal ba ang lihim na pagmamahal? 
Bawal ba na mahalin ka? 
Hanggang lihim ka na lang ba? 
Kelan ba ako magiging malaya? 

Hindi ka matanggal sa isip,
Kelangan ako ay magpigil.
Hanggang sa aking panaginip,
ako’y laging nag-iisip.

Tama na, ayoko na, 
Nakakapgod na. 
Ikaw kaya, 
may damdamin ka rin ba? 
Ikaw kaya? 
may lihim din na pagtingin? 
Sana wala! 
para di na ako umasa. 
Sana wala, 
Para di ako magkasala.
Sana wala, 
para ako’y lalayo na.

ang aking lihim, 
patuloy na lihim. 

Paalam na lang muna. 
isip ko’y pagod na.