Salamat sa mga Scholarships
(Menggay, October 9, 2019, 5:36 am)
Ako’y buong pusong nagpapasalamat
Sa mga mabubuting ahensya na nagbibigay ng scholarships sa mag katulad kong maralita.
Apat na scholarships ang nagpatapos sa akin sa aking pag-aaral.
Sa Dalit National High School, pag Valedictorian ka, may academic scholarship ka na. Salamat po sa aking mga guro na gumabay at nagtiwala sa aking kakayahan.
Sa Municipality of Pilar, may allowance ka na buwan-buwan.
Sa dalawa ko pang scholarships, DOST at sa agency (sorry, nakalimutan ko ang pangalan, but it’s for indigenous students).
Libre po ang aking tuition, may allowance pa po. Hindi po naging problema sa aking mga magulang at sa aking mabait na late Uncle Lando ang aking pag-aaral.
Sa second year college po, nahalal din ako na SK President. Kumikita na po ako ng pera sa edad na 17. Yun po ang aking pinangtustos sa aming mga pangangailangan. Yun din po ang ginamit ko para makatulong sa ibang mga tao.
Lagi po akong bumibili ng mga pagkain at ulam para po sa ibang mga kamag-anak at kapitbahay namin.
Ang lahat ng biyaya na ipinagkaloob po sa akin ng Panginoon ay ipinamahagi ko rin po sa iba. Napagtapos ko na rin ang aking kapatid na lalaki at isa na siyang nurse. Nakapagtapos din ng nurse aide ang isa kong kapatid na babai. Napatayo ko na rin ng maliit na bahay ang aking pamilya. Hindi pa rin tapos pero mas mainam na kesa noon.
Malaking pasasalamat ko sa lahat ng mga ito. Alam kong hindi ko deserve pero alam kong mahal ako ng Panginoon.
Sa aking masteral naman, ipinamahagi ng aking asawa ang kanyang benefits na nagseserbisyo sa bansang Amerika. Dahil sa serbisyo nya sa military, nakamit ko ang pangarap na makakuha ng masteral an akala ko hindi ko na kailan man maisasakatuparan.
Salamat, Banal na Ama! Buong buhay akong magpapasalamat sa yo.
No comments:
Post a Comment